BPI nagkaproblema sa sistema, ilang kliyente nawalan ng pera sa kanilang accounts

BPI advisory

Nagkaroon ng problema ang sistema ng Bank of the Philippine Islands (BPI) at maraming kliyente nito ang nag-report na nabawasan ang pera sa kanilang accounts.

Bumaha sa social media ang reklamo ng mga kliyente ng BPI hinggil sa unauthorized transactions.

Ilan sa mga reklamo ay ang nadodobleng debit at iba pang transactions.

Sa post ng isang Jean Tengko, sinabi nitong nawalan siya ng 6,000 sa kaniyang savings account. Nang kaniyang ireport sa BPI, lumabas na mayroong withdrawal transaction noong May 30, gayong hindi naman siya nag-withdraw ng nasabing petsa at nasa kaniya lamang ang kaniyang ATM.

Isang Mhy Mallari naman ang nag-post sa comment box ng BPI Facebook page at sinabing nawalan siya ng P10,000 sa kaniyang savings account.

Ayon naman sa post ng isang Ming-Ming Lee, nagwithdraw siya ng P2,000 noong nagdaang nga araw. At nang tignan niya online, dalawang withdrawal transactions ang lumabas kaya nawalan siya ng dagdag na P2,000 pa.

Isang Vern Ord naman ang dali-daling nagtungo sa pinakamalapit na ATM machine nang mabalitaan ang insidente ngayong umaga, at nang kaniyang icheck ay wala na siyang balanse o wala nang laman ang kaniyang savings account.

Sa pahayag ng BPI, inamin nitong mayroon silang nararanasang “internal data processing error”.

Sinabi rin ng BPI na may mga kliyente silang nakaranas ng dobleng debit o dalawang beses na-credit ang kanilang transactions.

Sa ngayon ay inaayos na umano nila ang problema.

Humingi rin ng paumanhin ang BPI sa nangyari.

 

 

 

 

Read more...