Ito ang reaksyon ni presidential spokesperson Ernesto Abella sa mungkahi ni Supreme Court Justice Antonio Carpio tungkol sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South CHina Sea.
Sinabi kasi ni Carpio na magiging sunud-sunuran na lang ang Pilipinas kung hindi nito pipigilan ang island-building ng China sa South China Sea.
Gayunman, ipinagtanggol ni Abella ang foreign policy ni Pangulong Duterte sa China, at iginiit na ang nais lang ng pangulo ay protektahan ang soberenya ng Pilipinas habang pinapanatiling payapa at “conflict-free” ang rehiyon, pati na ang bansa.
Sa kabila ng mungkahi ni Carpio, tiniyak naman ni Abella na iginagalang ito ni Duterte, pero mas pipiliin talaga ng pangulo na makipagtulungan na lang sa mga claimants sa South China Sea, kaysa komprontahin ang mga ito.
Siniguro rin ni Abella na ginagawa ng pangulo at ng mga Gabinete ang lahat na mapo-protektahan ang national interests ng Pilipinas at ang naturang rehiyon.