Dagdag na ‘peace corridors’ posibleng buksan sa Lanao

By Mariel Cruz June 07, 2017 - 04:29 AM

 

Mas marami pang ‘peace corridors’ ang posibleng buksan sa iba pang bahagi ng Lanao del Sur para matiyak na maililigtas ang mga sibilyan na hanggang ngayon ay naiipit pa rin sa Marawi City.

Ayon kay Government Peace Implementing Panel chair Irene Santiago, malaki ang posibilidad na bubuksan nila ang iba pang peace corridors sa susunod na mga araw.

Pero ipinaliwanag ni Santiago na dapat ay matiyak muna na magiging ligtas ang paglilikas sa mga naapektuhang sibilyan bago magbukas ng panibagong peace corridor.

May ilan aniyang ikinokonsidera sa pagbubukas ng ‘peace corridor’, tulad ng kaligtasan at seguridad ng mga sibilyan.

Noong nakaraang Linggo, ipinatupad ang 4-hour humanitarian ceasefire ng GPH at Moro Islamic Liberation Front sa Marawi City para sa paglilikas sa mga sibilyan.

Ipinatupad ang ceasefire matapos magbigay ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagbubukas ng peace corridor sa Marawi City, kasunod ng naging pulong nito kay MILF chair Murad Ibarim sa Malacañang noong isang linggo.

Ayon sa OPAPP, umabot sa 174 na sibilyan ang nailigtas sa Marawi City dahil sa binuksang peace corridor.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.