US, tumutulong na vs Maute group sa Marawi

By Ricky Brozas June 07, 2017 - 03:35 AM

 

Kaakibat na rin ng gobyerno ng Pilipinas ang Estados unidos sa pagpuksa sa mga kalabang Maute sa Marawi City.

Pero nilinaw ni Philippine Army 1st infantry division spokesman Lt. Col. Jo-ar Herrera na tulong teknikal lamang ang ipinagkakaloob ng US sa paglaban sa teroristang Maute group.

Banggit pa ni Herrera na may mga nauna nang kasunduan kung saan nakasaad ang tulong ng US sa paglaban sa mga teroristang grupo.

Tumanggi naman si Herrera na banggitin ang mga uri ng teknikal na tulong ng Amerika sa krisis sa Marawi City.

Nagpapatuloy ang pagsusumikap ng military na bawiin ang ilan pang mga lugar sa lungsod na hawak pa rin ng teroristang grupo.

Kahapon, lumutang ang video kung saan makikitang pinaplano ng Maute group kasama ang sinasabing ‘emir’ na si Isnilon Hapilon ang pagkubkob sa Marawi City upang maitaguyod ang isang Islamic caliphate.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.