Suplay ng kuryente sa Ilocos Sur at Ilocos Norte naibalik na

August 26, 2015 - 09:55 AM

free charging sa I. NOrte Capitol Auditorium PGIN CMO
Free charging sa Ilocos Norte Capitol Auditorium/PGIN CMO

Matapos ang matinding pinsala na iniwan ng bagyong Ineng, naibalik na ang suplay ng kuryente sa lalawigan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Nawalan ng kuryente ang malaking bahagi ng Ilocos Sur at ang buong lalawigan ng Ilocos Norte simula pa noong gabi ng August 23.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) naisaayos na ang bumagsak na tower sa bahagi ng Barangay Nagtuypakan sa Sta. Maria River, Sta. Maria Ilocos Sur na naging dahilan ng malawakang power interruption.

NGCP lineman sa Ilcos Norte
One of NGCP’s linemen braving the floods/NGCP

“As of 8:42am, NGCP re-energized the San Esteban-Laoag 115kV transmission line, restoring power transmission service to parts of ISECO and entire INEC franchise area (1st District of Ilocos Sur and entire Ilocos Norte Province),” ayon sa abiso ng NGCP.

Sinabi ng NGCP na tumagal ng ilang araw ang pagsaa-ayos sa nasirang linya ng kuryente dahil lubog ito sa baha.

Umabot sa pitong talampakan ang tubig baha sa lugar kung saan naroroon ang nasirang linya.

Hinintay pa ng mga tauhan ng NGCP na humupa tubig baha bago tuluyang maisaayos ang sira./ Erwin Aguilon

TAGS: power back in Ilocos Sur and Ilocos Norte, power back in Ilocos Sur and Ilocos Norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.