British-Pinoy kabilang sa mga patay sa London bridge attack

AP

Kabilang ang British-Filipino na negosyante sa pitong nasawi sa terror attack sa London, Sabado ng gabi, oras sa England.

Kinilala ang biktima bilang si James McMullan, 32 taong gulang mula sa Hackney, East London.

Naganap ang unang pag-atake sa London Bridge nang araruhin ng isang white van ang mga pedestrians.

Sumunod naman inatake ng mga suspek ang Borough market kung saan pinagsasasaksak ng mga ito ang mga tao.

Sa pangalawang atake namatay si McMullan.

Huli siyang nakita sa labas ng isang bar sa Borough High Street.

Napatay naman ng pulisya ang tatlong suspek.

Samantala, inako naman ng Islamic State ang naturang pag-atake sa London, ayon sa SITE Intelligence Group.

Read more...