P79M na halaga ng pera at tseke na nakuha sa kuta ng Maute, posibleng mula sa mga ninakawang bahay at bangko

Kuha ni Wilmor Abejero

Maaring mula umano sa mga bahay at bangko na pinagnakawan ng Maute Group ang malaking halaga ng pera at mga tseke na natagpuan sa pinaniniwalaang safehouse ng grupo sa Barangay Mapandi sa Marawi City.

Ayon kay Lt. Col. Jo-Ar Herrera ng 1st Division ng Philippine Army, malinaw na ang mga tauhan ng Maute Terror Group ang nag-iwan ng nasabing pera.

Iimbestigahan aniya nila kung saan galing ang mga pera at tseke pero posibleng ang bahagi nito ay galing sa mga pinagnakawang bahay at bangko.

Ang mga natagpuang tseke ay “paid to cash” kaya wala pang nakitang pangalan sa mga ito.

Ayon kay Herrera, matapos ang inventory ay ibinigay muna sa pangangalaga ng Joint Task Force Marawi ang P52.2 million na cash at P27 million na tseke.

Nakatakda namang parangalan ang mga tauhan ng 37th Marine Brigade na nakatuklas sa nasabig mga pera.

 

 

 

 

Read more...