Pagkalat ng ‘fake news’ sa pag-atake sa Resorts World Manila, sisiyasatin din ng NBI

By Rohanisa Abbas June 06, 2017 - 10:42 AM

Ikinukunsidera ng Department of Justice na isama sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation ang ‘fake news’ ukol sa pag-atake sa Resorts World Manila noong Biyernes, na ipinakalat ng netizens.

Sa isang panayam, sinabi ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II na pag-aaralan ng NBI na isama ang aniya’y pagkalat maling balita na ipinagbabawal sa Presidential Decree No. 90.

Ang naturang batas ay ipinatupad simula noong panahon ng Martial Law noong 1973.

Matatandaang noong Biyernes, kumalat sa social media ang mga alegasyong pakana ng teroristang grupong ISIS ang naturang pag-atake.

Ipinahayag din ng SITE Intelligence Group na ang operatiba umano ng ISIS sa Pilipinas ang may kagagawan sa insidente.

Gayunman, tinukoy ng Philippine National Police (PNP) na isang Jessie Carlos ang salarin sa pag-atake sa naturang casino hotel. Kinilala itong dating empleyado ng Department of Finance na nalulong sa pagsusugal at nabaon sa utang.

 

 

TAGS: Casino, resort, resorts world manila, Casino, resort, resorts world manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.