LOOK: Pumanaw na aso, inabandona sa EDSA; may-ari nag-iwan pa ng farewell note

By Jan Escosio June 06, 2017 - 09:22 AM

Kuha ni Jomar Piquero

Isang abandonadong kahon ang bahagyang nagdulot ng tensyon sa bahagi ng EDSA kanto ng NIA road sa Quezon City.

Rumesponde pa sa lugar ang mga tauhan ng bomb squad at hinarangan ng road cone ang lugar para matiyak na hindi ito naglalaman ng bomba.

Kuha ni Jomar Piquero

Pero nang mabuksan ang kahon, isang patay na English bulldog ang laman ng kahon.

May nakita pang liham ang mga tauhan ng QCPD sa kahon na namamamaalam sa aso na pangalan ay “Supremo”.

Nagtataka naman ang mga otoridad kung bakit sa EDSA pa itinapon ang kahon at kung bakit hindi man lamang nailibing ng may-ari ang kaniyang aso.

Ang nasabing insidente ay nakaabala pa sa mga dumaraang motorista sa EDSA.

 

TAGS: abandoned box, edsa, english bulldog, farewell note, highway, nia road, traffic, abandoned box, edsa, english bulldog, farewell note, highway, nia road, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.