Qatari government, pinayuhan ang publiko na huwag mag-panic buying

TWITTER PHOTO | @ShamGKumar

Walang dahilan para mag-panic buying at mag-imbak ng pagkain.

Payo ito ng Qatar Cabinet sa mga mamamayan ng bansa matapos na sumugod sa mga supermarket at grocery stores ang mga tao dahil sa pangambang maaapektuhan ng umiiral na diplomatic row ang supply ng pangunahing bilihin.

Ayon sa Qatar Cabinet, ang panic ay resulta ng pagpapakalat ng maling balita sa social media.

Tiniyak din ng pamahalaan na kanilang ginagawa ang lahat para manatiling normal ang sitwasyon sa kabila ng pagputol ng diplomatic ties ng mga bansa sa Gitnang Silangan.

Ayon sa mga supermarket officials sa Qatar, maliban sa Gulf states, marami pang ibang mga bansa na pinagkukunan nila ng supply.

Ang 90% ng meat at dairy products umano nila ay nagmumula mismo sa malalaking kumpanya sa Qatar. Ang karamihan sa farm products naman ay inaangkat sa South East Asia.

Ang mga technological products naman ay nagmumula sa Japan at China.

Dagdag pa ng Qatar Cabinet, ang paghinto ng ilang flights ay hindi naman nangangahulugan na 100 porsyento nang tigil ang operasyon sa paliparan dahil ang Iraq, Kuwait at Iran pa rin ang may mas malaking kontrol sa north Asian Hampshire.

 

 

Read more...