Flights ng PAL patungong Qatar, tuloy pa rin

By Dona Dominguez-Cargullo June 06, 2017 - 06:38 AM

Tuloy ang mga biyahe ng Philippine Airlines (PAL) patungong Qatar sa kabila ng diplomatic row na namamagitan sa nasabing bansa at sa iba pang bansa sa Gitnang Silangan.

Sa pahayag ng PAL, tuloy ang kanilang apat na beses na biyahe sa loob ng isang linggo patungong Qatar.

Ayon kay PAL spokesperson Cielo Villaluna, maghihintay sila ng abiso mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa sitwasyon.

“As of now, PAL’s four times weekly flights to and from Doha remain unaffected,” ani Villaluna.

Sa ngayon aniya wala namang idinedeklara pang airspace restriction para sa mga biyahe mula Pilipinas patungong Doha.

Sa pinakahuling abiso naman ng Cebu Pacific, hanggang July 1 na lamang ang biyahe nila patungong Doha.

Nauna nang nagsuspinde ng kanilang mga biyahe patungong Doha ang FlyDubai, Gulf Air, Saudi Air at Bahrain Gulf Air.

Maging ang Etihad Airways ng Abu Dhabi ay nagsuspinde na rin ng kanilang mga biyahe patungo at galing sa Doha.

Ang Qatar Airways naman ay nagsuspinde rin ng lahat ng biyahe nila patungong Saudi Arabia.

 

TAGS: Diplomatic row, Doha, PAL, philippine airlines, Diplomatic row, Doha, PAL, philippine airlines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.