Sa gitna ng tensyon na namamagitan sa Qatar at mga bansa sa Gitnang Silangan, inabisuhan ng embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy na nagtatrabaho doon na manatiling kalmado.
Pinayuhan din ang mga Pinoy na masusing bantayan ang sitwasyon.
Ang mga Pinoy naman na may nakatakdang biyahe ay inabisuhan na makipag-ugnayan sa kanilang travel agents dahil marami nang flights ang kanselado.
“Filipino travelers are advised to consult their trav el agents to ensure unhampered travel arrangements. The Philippine Embassy in Doha calls on all Filipinos in Qatar to remain calm and exercise prudence as we all closely monitoring the situation,”
Sa mga Pinoy na nais makipag-ugnayan sa embahada, maari silang tumawag sa +947 4483 1585 (trunkline) at sa +974 6644 6306 (ATN hotline).
Mayroong mahigit limampung libong OFWs sa Qatar.