Embahada ng Pilipinas inabisuhan ang mga OFW sa Doha na manatiling kalmado

By Dona Dominguez-Cargullo June 06, 2017 - 06:32 AM

Nagpalabas ng ng abiso ang embahada ng Pilipinas sa Doha, Qatar para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nasabing bansa.

Sa gitna ng tensyon na namamagitan sa Qatar at mga bansa sa Gitnang Silangan, inabisuhan ng embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy na nagtatrabaho doon na manatiling kalmado.

Pinayuhan din ang mga Pinoy na masusing bantayan ang sitwasyon.

Ang mga Pinoy naman na may nakatakdang biyahe ay inabisuhan na makipag-ugnayan sa kanilang travel agents dahil marami nang flights ang kanselado.

“Filipino travelers are advised to consult their trav el agents to ensure unhampered travel arrangements. The Philippine Embassy in Doha calls on all Filipinos in Qatar to remain calm and exercise prudence as we all closely monitoring the situation,”

Sa mga Pinoy na nais makipag-ugnayan sa embahada, maari silang tumawag sa +947 4483 1585 (trunkline) at sa +974 6644 6306 (ATN hotline).

Mayroong mahigit limampung libong OFWs sa Qatar.

 

TAGS: DFA, Diplomatic row, Doha, Middle East, Philippine Embassy, Qatar, DFA, Diplomatic row, Doha, Middle East, Philippine Embassy, Qatar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.