PAGCOR: Bilang ng mga banned sa casino, aabot sa 450

By Kabie Aenlle June 06, 2017 - 04:54 AM

Pinatunayan ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na marami talagang nalululong sa pagsusugal at nababaon sa utang.

Ayon kasi kay PAGCOR chairman Andrea Domingo, aabot sa nasa 450 na lulong sa sugal ang banned ngayon sa paglalaro sa mga casino.

Isa na dito ang gunman sa pag-atake sa Resorts World Manila na si Jessie Carlos.

Matatandaang 38 ang nasawi sa pag-atake ni Carlos sa casino, habang mahigit 50 ang nasugatan.

Ayon kay Domingo, si Carlos ay may “Player Exclusion Order” na may bisa mula March 27, 2017 hanggang March 26, 2018.

Nakalista rin ang pangalan ni Carlos sa National Database of Restricted Persons (NDRP) ng PAGCOR na nakikita sa lahat ng mga licensed casinos at malalaking operators ng electronic gambling.

Ang mga exclusion orders ay inihahain ng mga kaanak ng mga nalululong sa sugal, o kaya naman ay minsan ng mismong sugarol kapag gusto na niyang makaiwas sa pagsusugal.

Sinabi naman ni Domingo na mayroon silang 24/7 na hotline kung saan maaring tumawag sa kanila ang sinuman na nais magpatulong o ma-rehabilitate mula sa kanilang pagkalulong sa sugal.

Naglunsad na rin ang PAGCOR ng information campaign para sa responsible gaming, upang maiwasan nang maulit ang nasabing insidente.

Una naman nang inanunsyo ng operator ng Resorts World Manila na susupindehin muna ang operasyon sa ilan sa kanilang hotel at gaming areas bilang pagbibigay daan sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.