2 Japanese na nawala sa Coron, ipinapatay ng kasama
Patay na ang dalawang Japanese na unang napaulat na nawawala sa Coron, Palawan.
Isinalaysay ng dalawang bangkero kung paano pinatay ng mga suspek ang mga biktima na sina Itani Masaru at Arai Yoshihiro.
Ayon sa mga bangkero, inarkila sila ng mga suspek para dalhin sina Itani at Arai sa Isla Galoc noong May 30, kung saan sila binaril ng mga suspek na nakilalang sina Sonny Anicete, Jovis VIscarra, at dalawang nakilala lang sa mga alyas na “Jun” at “Baldo.”
Anila, matapos barilin ang mga biktima ay hindi pa nakuntento ang mga suspek at pinutol pa ang mga braso at kamay ng mga ito, saka muling isinakay sa isa sa mga bangka.
Nang sila umano ay muling pumalaot, tinaga ang katawan ng mga ito at saka itinapon sa dagat.
Itinuturong nasa likod ng pagpatay sa kanila ay isa pang Japanese na si Hiroyuki Nagahama at kasama nitong interpreter na si Reynante Labampa.
Base sa inisyal na imbestigasyon, gusto umano ng mga suspek na makuha ang insurance money ng mga biktima kaya nila pinatay.
Itinanggi ni Hiroyuki ang paratang, pero siya rin ang idiniin ni Labampa.
Dalawang counts ng murder ang isinampa sa dalawang suspek, habang hinahanap ng mga otoridad ang apat na iba pang mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.