Sa pahayag na inilabas ng kumpanya, sinabi nilang kasalukuyan silang nakatuon sa pagtitiyak na maalalayan at matulungan ang mga biktima at kaanak ng mga nasawi sa insidente.
Anila dahil dito, nagdesisyon silang kusang suspindehin muna ang operasyon ng mga apektadong pasilidad partikular na ang kanilang gaming areas.
Tatagal anila ito hanggang sa matapos ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Matinding naapektuhan ang ikalawang palapag ng gaming area ng Resorts World Manila matapos silaban ng suspek na si Jessie Carlos.
Tanging ang Maxims Hotel lamang ang naapektuhan ng insidente, kaya naman ang mga kalapit na Remington at Marriott hotels ay mananatiling bukas.