‘Oras na kunin ng China ang Panatag, hindi na ito mababawi ng Pilipinas kailanman-Carpio

By Rod Lagusad June 06, 2017 - 04:49 AM

 

Edwin Bacasmas/Inquirer

Binigyang diin ni Supreme Court Justice Antonio Carpio na kailangan ng kumilos ang gobyerno ng Pilipinas para ipaglaban nito ang karapatan nito West Philippine Sea.

Maliwanag ang mensahe ng China na hindi nito isusuko ang claim nito sa naturang teritoryo.

Aniya tanging ang pagre-reclaim na lang sa Scarborough Shoal o Panatag shoal ang kulang para buong makontrol ng China ang West Philippine Sea.

Kung ito ay mapagtatagumpayan ng China ay mahihirapan na ang Pilipinas na mabawi ito mula sa China gamit nito ang sarili nitong yaman.

Ayon kay Justice Carpio, kinakailangan na magawa ng Pilipinas ang tatlong bagay.

Una dito ang pagkakaroon ng magandang kalalakalan sa China, ang pagpapalakas ng depensa ng bansa sa ating teritoryo at pagpapaganda ng relasyon ng bansa US.

Kaugnay nito, sinabi ni Carpio na merong mapa ang Pilipinas mula sa 1600s na nagpapakita na bahagi ng teritoryo ng bansa ang Spratlys at Scarborough Shoal.

Dagdag pa niya, pitong beses na mas mayaman ang resources ng sakop na katubigan ng bansa kaysa sa yaman nito sa kalupaan.

Hinikayat din ni Carpio ang pagkakaron ng “national consensus” kaugnay ng isyu.

Kinakailangan aniya ng debate at pag-uusap tungko dito dahil nakasalalay dito ang hinaharap ng bansa.

Iginiit ni Carpio na hindi natin mapipigil ang China kung hindi nagkakaisa ang ating bansa.

Kaugnay nito, available online ang ebook ng libro ni Carpio tungkol sa nasabing isyu ng libre i-type lang ang “Justice Carpio, South China Sea Dispute”.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.