May 20 pang foreign terrorist sa Marawi-AFP

 

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command na may dalawampu pang mga dayuhang terorista ang kasama ng Maute Group na nakikipagbakbakan sa Marawi city.

Ayon kay AFP Wesmincom commander, Lt. Gen. Carlito Galvez, ito ay maliban pa sa walong iba pang dayuhang terorista ang napatay sa mga naunang araw ng sagupaan sa Marawi City.

Itinanggi naman ng Opisyal na nasa Marawi City ang 1,200 na terorista mula sa Indonesia.
Ang mga ito aniya ay nasa Syria.

Nagpapatuloy ang opensiba ng militar upang mabawi ang mga lugar na kinubkob ng Maute terror group sa naturang lungsod.

Read more...