Resorts World tragedy iimbestigahan na rin ng Kamara
Papasok na rin sa imbestigasyon ng Resorts World Manila attack ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa Miyerkules, ganap na alas-nueve ng umaga isasagawa ng House Committees on Games and Amusement at Public Order and Safety ang imbestigasyon sa Conference Hall ng Ninoy Aquino International Airport Terminal III na malapit lamang sa Resorts World Manila.
Sinabi ni House Committee on Games and Amusement Chairman Gus Tambunting na aalamin nila kung papaano nakapasok ang isang armadong lalaki sa casino na may dala pang gasolina ng ganun lamang kadali.
Dapat anyang malaman ng publiko ang katotohanan sa likod ng trahedya sa Resorts World Manila.
Ayon naman kay Rep. Winston Castelo, bubusisiin nila sa pagdinig ang mga lapses sa security sa nasabing establishemento.
Nais malaman ng kamara kung may pagkukulang ang mga security officers sa Resorts World Manila na nagbabantay noong araw na umatake ang gunman na si Jesse Carlos.
Titingnan din sa pagdinig kung bakit hindi gumana ang smoke detector at sprinkle system ng gusali gayundin ang mga nakasarang fire exits dahilan kaya na-trap at nasawi ang 38 biktima kabilang na ang gunman na si Carlos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.