Pagbomba sa ilang Mosque sa Marawi City pinag-aaralan ng AFP

By Isa Avendaño-Umali June 05, 2017 - 05:02 PM

Inquirer file photo

Pinag-aaralan na ng Armed Forces of the Philippines o AFP na bombahin ang mga Mosque na pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga miyembro ng Maute group sa Marawi City.

Ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, may kautusan si AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na pag-aralan ang probisyon sa Geneva Convention at International Humanitarian Law hinggil sa exemption na pwedeng bombahin ang mga mosque na ginagawang safe haven ng teroristang grupo.

Ayon kay Padilla, dahil sa paggamit ng mga kasapi ng Maute terror group sa mga mosque, hanggang ngayon ay nasa sampung porsyento pa ng Marawi City ang kontrolado ng grupo.

Ang mga sniper umano ay nasa mga mosque dahil maliban sa maganda raw itong pwesto, nakasaad sa international law na dapat iwasan ang pag-atake rito dahil lugar ito ng pagsamba.

Kinumpirma rin ni Padilla na mahigpit ang kautusan ni Gen. Año na dapat manaig ang pagliligtas sa mga inosenteng sibilyan at iwasan na magkaroon ng ‘collateral damage’ sa ginagawang military operations laban sa Maute group.

Gayunpaman, sinabi ni Padilla na hindi nila isinasantabi ang mga paraang kayang gawin ng militar para tapusin ang krisis alinsunod din sa umiiral na batas na may kinalaman sa giyera.

TAGS: AFP, geneva convention, marawi, mosque, AFP, geneva convention, marawi, mosque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.