Mga kumpanya ng langis may rollback bukas

By Alvin Barcelona June 05, 2017 - 04:15 PM

Inquirer file photo

Matapos ang tatlong linggong magkakasunod na pagtataas ay magpapatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis bukas, Hunyo 6.

Magbabawas ang mga oil companies ng P0.55 sentimo kada litro sa gasolina at P0.90 sentimo sa diesel at kerosene o gaas.

Kabilang sa nag-anunsyo ng tapyas presyo ang Flying V na magpapatupad ng rollback umpisa mamayang 12:01 ng hating gabi.

Ang Shell, Seaoil, Petron, Chevron, PTT, Phoenix, Clean Fuel  at iba pang kumpanya ng langis ay magtatapyas naman ng presyo simula 6:00 bukas ng umaga.

Dahilan ng rollback ang paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa international market.

TAGS: DOE, oil companies, rollback, DOE, oil companies, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.