ISIS kumikilos na sa iba’t ibang mga bansa kabilang ang Pilipinas
Kumikilos na umano ngayon ang Islamic State (IS) sa labas ng Iraq at Syria.
Ito ang kinumpirma ni Iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei.
Sa isang televised speech, sinabi ni Khamenei na lumalabas na ng Iraq at Syria ang ISIS at ngayon ay kumikilos na sa Afghanistan, Pakistan at maging sa Pilipinas at sa ilang European countries.
Ito aniya ang ganti ng ISIS sa pinaiiral na Western terror policies sa Gitnang Silangan.
“Today, Daesh (IS) is being pushed out from its birthplace in Iraq and Syria and is moving to other countries — Afghanistan, Pakistan and even the Philippines and European countries,” ayon kay Khamenei.
Ginawa ni Khamenei ang pahayag sa pagtitipon ng matataas na opisyal sa Tehran bilang paggunita sa death anniversary ng revolutionary leader na si Ayatollah Ruhollah Khomeini.
Samantala, sa ulat ng Reuters, pinaplano na umano ng mga bansa sa Southeast Asia na gumamit ng spy planes at drones para manmanan ang kilos ng mga terorista sa kani-kanilang nasasakupan.
Nagkasundo ang Indonesia, Pilipinas at Malaysia na magsagawa ng joint air patrols ngayong buwan sa boundaries ng nasabing mga bansa sa Sulu Sea.
Sa isinagawang annual regional security forum sa Singapore, tinukoy na isa sa pinakamatinding banta sa Southeast Asia ay ang pagsalakay ng Maute Group sa Marawi City.
Sa nasabing forum, nangako ang ASEAN at ang Estados Unidos na tutulungan ang Pilipinas kontra terorismo.
“What featured quite strongly in the U.S.-ASEAN meeting was the pledge by both U.S. and ASEAN members that we stand ready to help the Philippines…whether it’s information, intelligence or otherwise,” ayon kay Singaporean Defence Minister Ng Eng Hen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.