Supt. Maria Christina Nobleza, dapat mabitay ayon kay Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2017 - 07:49 AM

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapatawan ng parusang bitay si Superintendent Maria Christina Nobleza, na nakipagrelasyon sa miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Duterte tinraydor ni Nobleza ang bansa sa ginawa nitong pakikipagrelasyon sa ASG member kaya dapat siyang maparusahan ng kamatayan.

Sinabi ng pangulo na dapat mabitay si Nobleza at “public hanging” ang nararapat na kaharapin nito.

“She’s really the lady that is a traitor to her country. Dapat bitayin ka at public hanging. I will not hesitate to do it,” ayon kay Duterte.

Magugunitang si Nobleza ay nahuli sa Bohol habang kasama nito si Renierlo Dongon na bomb-maker ng ASG.

Sinibak na sa serbisyo si Nobleza at nahaharap sa mga kaso kabilang na ang obstruction of justice, illegal possession of firearms at disobedience to persons in authority.

 

 

 

 

TAGS: Abu Sayyaf, ASG, nobleza, Renierlo Dongon, Terror, Terrorism, Abu Sayyaf, ASG, nobleza, Renierlo Dongon, Terror, Terrorism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.