Bahagi ng Ready Reserve Office sa Arescom Headquarters ng Philippine Army, nasunog

By Cyrille Cupino June 05, 2017 - 06:39 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Tinupok ng apoy ang apat na silid ng Ready Reserve Office sa Arescom Headquarters ng Philippine Army sa loob ng Fort Bonifacio sa Taguig City.

Ayon kay Fire Chief Inspector Severino Sevilla, hepe ng BFP-Taguig Operations, nagsimula ang apoy sa opisina ng 301st Ready Reserve Battalion bandang alas onse ng gabi, at agad kumalat sa mga katabing kwarto.

Matapos ang 30 minuto, agad ring naapula ang apoy na umabot sa ikalawang alarma.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng BFP upang malaman ang naging sanhi ng sunog.

Inaalama pa rin ang halaga ng pinsala, pero sinasabing may mga mahahalagang dokumento na nadamaya sa pagkalat ng apoy.

Matatandanang nasunog rin noong 2014 ang bahagi ng Ready Reserve Office nang madamay sa sunog sa explosives and ordnance division office sa loob din ng military camp dahil naman umano sa electrical problem.

 

TAGS: fire incident, fort bonifacio, Philippine Army, Ready Reserve Office, Taguig City, fire incident, fort bonifacio, Philippine Army, Ready Reserve Office, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.