Transport strike, isinabay sa unang araw ng pasukan ng mga estudyante

 

Kasado na ang transport strike na isinabay sa unang araw ng pasukan ng mga estudyante sa pampublikong paaralan ngayong araw ng Lunes, June 5.

Pangungunahan ng grupong Pinagisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON ang tigil-pasada dito sa Metro Manila bilang suporta sa protest caravan sa iba pang lalawigan.

Ipinoprotesta ng grupo ang nakaambang phaseout ng mga lumang jeepney na may edad 15 taon o pataas.

Kaugnay nito, ilang mga transport groups na sa Metro Manila ang naabisuhan na umano ng kanilang mga samahan na simulan ang transport strike ng alas-6:00 ng umaga.

Eksakto ang naturang oras sa panahong papasok sa mga paaralan sa ang mga estudyante bilang bahagi ng unang araw ng 2017-2018 school year.

Nakatakda namang magpakalat ng mahigit 2,000 traffic enforcers ang MMDA upang bantayan ang sitwasyon sa mga lansangan ngayong araw.

Magpapakalat rin ang ahensya ng mga sasakyan na maaring magsakay ng mga mai-stranded na estudyante at mga manggawa ngayong araw.

Read more...