Pagpatay sa alkalde sa Ilocos Norte, pinaiimbestigahan na

By Kabie Aenlle June 05, 2017 - 04:06 AM

 

Isang task group na ang binuo ng mga pulis para imbestigahan ang pagpatay kay Marcos, Ilocos Norte Mayor Arsenio Agustin noong Sabado.

Si Agustin ay pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek habang kasama niya ang kaniyang driver sa Barangay Mabuti, habang nag-iinspeksyon sa isang proyekto sa Sitio Cabuan.

Ito ay tatawaging Task Group “Mayor Agustin” na pamumunuan ni Chief Insp. Angelito de Juan.

Kinilala ang driver niya na si Rusmar “Mark” Valencia na nasawi rin sa pananambang.

Ayon kay Chief Insp. Dexter Corpuz na tagapagsalita ng Ilocos Norte police, isa umanong lalaking nakasuot ng camouflage na uniform ang namataan ng mga testigo na namaril sa kina Agustin.

Bukod sa pagkakasawi ng dalawa, nasugatan rin ang dalawang trabahador sa proyekto dahil sa pananambang matapos silang tamaan ng bala sa kanilang mga binti.

Hindi pa naman kumpirmado ang bilang ng mga suspek na pumatay kina Agustin.

Kinondena naman na ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ang nasabing pananambang, kasabay ng pagtiyak na parurusahan nila ang nasa likod nito.

Nagpahatid na rin siya ng pakikiramay sa pamilya ni Agustin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.