Concrete barriers inararo ng container van sa Maynila, 1 ang sugatan
Nasugatan ang pahinante ng isang container van sa aksidenteng naganap sa Finance Road malapit sa Taft Avenue sa Maynila.
Galing sa Export Processing Zone Authority (EPZA) sa Rosario, Cavite ang container van na minamaneho ni Edito Quintas nang araruhin nito ang mga concrete barrier sa kahabaan ng Finance Road.
Ayon kay Quintas, may nag-overtake sa kaniya na isa pang truck na kaniyang iniwasan dahilan kaya nabangga niya ang mga concrete barrier na naghahati sa kalasada.
Isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) ang pahinante ng truck na nakilalang si Merjun Quintas matapos itong magtamo ng sugat sa ulo at katawan.
Nahulog kasi ang pahinante mula sa trailer nang maganap ang aksidente.
Kumalat sa kalsada ang mga nawasak na concrete barriers dahilan para bahagyang maapektuhan ang daloy ng trapiko sa Finance Road./ Ruel Perez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.