Duterte, hindi na interesado sa peace talks-Joma Sison
Mistulang si Pangulong Rodrigo Duterte na mismo ang tumatapos sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng grupo.
Ito ang pananaw ni Communist Party of the Philippines founder Jose Ma. Sison sa kanyang inilabas na statement bilang tugon sa mensahe ni pangulong Duterte sa Ipil, Zamboanga Del Norte nitong Sabado.
Sa naturang statement, sinabi ng pangulo na hindi ito gaanong interesado sa alok ng National Democratic Front na tumulong ang New People’s Army na lumaban kontra terorismo sa Mindanao.
Bago aniya magpatuloy ang peace talks, kinakailangan munang ipag-utos ng rebelde ang isang unilateral ceasefire upang matigil ang bakbakan sa kanayunan.
Gayunman, paliwanag naman ni Sison, tanging ang nais na lamang ng administrasyon ay ang igiit ang pagsuko ng mga rebelde nang walang ibinibigay na social at political reforms sa mga ito.
Marami rin aniyang mga ‘demands’ ang gobyerno na hindi maibibigay ng basta na lamang ng NDFP tulad na lamang ng pagiit nito ng unilateral ceasefire declaration.
Paliwanag ni Sison, kinakailangang dumaan muna sa panel-to-panel discussion ang magiging laman ng ceasefire bago ito sang-ayunan ng NDFP.
Hindi aniya maaring sumunod na lamang ang kanlang panig sa anumang naisin ng administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.