Sa kanyang talumpati matapos ang pagbisita sa Japanese warship na nakadaong sa Subic Bay, sinabi ng pangulo na kanyang tinanggap ang alok ng Moro National Liberation Front na tumulong sa pagpigil sa pamamayagpag ng Maute Group sa lungsod.
Paliwanag ng pangulo, kanyang nakausap noong Sabado si MNLF chairman Nur Misuari at inalok nito ang suporta ng kanyang mga fighters na kanya namang sinang-ayunan.
Paliwanag ng pangulo, gagawing integrees ang mga MNLF fighters na magiging bahagi ng Armed Forces of the Philippines.
Samantala, kung nais naman aniya ng mga rebeldeng New People’s Army na maging integree ay payag naman siya dito.
Ang kailangan lamang aniya ng mga ito ay pormal munang sumuko.