2,000 MNLF fighters, sasabak vs Maute group sa Marawi

By Jay Dones June 05, 2017 - 04:33 AM

 

Lalahok ang nasa dalawang libong mga tauhan ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang tutulong sa opensiba ng gobyerno laban sa Maute Group sa Marawi City.

Sa kanyang talumpati matapos ang pagbisita sa Japanese warship na nakadaong sa Subic Bay, sinabi ng pangulo na kanyang tinanggap ang alok ng Moro National Liberation Front na tumulong sa pagpigil sa pamamayagpag ng Maute Group sa lungsod.

Paliwanag ng pangulo, kanyang nakausap noong Sabado si MNLF chairman Nur Misuari at inalok nito ang suporta ng kanyang mga fighters na kanya namang sinang-ayunan.

Paliwanag ng pangulo, gagawing integrees ang mga MNLF fighters na magiging bahagi ng Armed Forces of the Philippines.

Samantala, kung nais naman aniya ng mga rebeldeng New People’s Army na maging integree ay payag naman siya dito.

Ang kailangan lamang aniya ng mga ito ay pormal munang sumuko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.