Duterte, bumisita sa Japanese warship sa Subic

 

Frances Mangosing/Inquirer.net

Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Japanese warship na nakadaong sa Alava pier sa Subic Bay, Linggo ng hapon.

Ipinasyal ng mga opisyal ng Japanese helicopter carrier ng Japan na JS Izumo ang Pangulo sa paglilibot nito sa naturang sasakyang pandagat.

Si Pangulong Duterte ang kauna-unahang head of state na nakalibot sa JS Izumo.

Masayang-masaya ang pangulo sa kanyang mga nasaksihan sa teknolohiya na napapaloob sa naturang barko.

Ang JS Izumo ang pinakamalaking sasakyang pandagat ng Japan.

Dalawa lamang ang Izumo-class naval ship ng sa Japanese fleet.

Read more...