Magulang ng suspek sa Resorts World Manila attack, humingi ng tawad sa publiko

By Mariel Cruz June 04, 2017 - 02:27 PM

Emosyunal na humingi ng tawad ang ina ng lone gunman na umatake sa Resorts World Manila sa pamilya ng mga biktima.

Sa isang press conference, sinabi ni Teodora Carlos, ina ng suspek na si Jessie Javier Carlos, na mismo sila ay nagulat sa nagawa ng kanilang anak.

Naniniwala Teodora na nagawa ito ng kanyang anak dahil sa pagkakalulong sa sugal.

Inalala pa nito kung gaano kabait ang kanyang anak noong hindi pa ito nalululong sa sugal.

Hindi aniya nila matanggap ang nangyari kung kaya humihingi sila ng tawad sa karumal dumal na ginawa ng kanyang anak.

Umaasa si Teodora na mapapatawad ng pamilya ng mga biktima ang hindi katanggap tanggap na nagawa ni Carlos.

Nagpaalala naman si Teodora sa mga magulang na hangga’t maaga pa ay awatin na ang kanilang mga anak na nalululong sa sugal.

Umaasa din aniya siya na magiging aral para sa ibang magulang ang nangyari at ginawa ng kanilang panganay na anak.

Maging ang ama ng suspek na si Fernando Carlos ay humingi rin ng tawad sa mga naapektuhan ng pag-atake at nakiramay sa pamilya ng mga nasawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.