Duterte, naniniwalang hindi kagagawan ng ISIS ang pag-atake sa Resorts World Manila

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kagagawan ng Islamic State group o ISIS ang naging pag-atake sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Ayon kay Duterte, kahit na may dalang mataas na kalibre ng baril ang suspek ay hindi ito direktang umatake sa mga tao sa lugar.

Aniya bakit nanakawin ang mga casino chips na hindi naman magagamit.

Matatandaang inako ng ISIS ang naging pag-atake nito kung saan 38 katao ang namatay.

Habang binigyang diin naman ni Duterte na mas malupit ang istilo ng ISIS kumpara sa naging insidente sa Resorts World Manila.

Read more...