Duterte, dumalaw sa burol ng ilang mga nasawi sa Resorts World Manila

By Cyrille Cupino June 04, 2017 - 05:17 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Dumalaw si Pang. Rodrigo Duterte sa burol ng ilang mga nasawi sa malagim na trahedya sa Resorts World Manila.

Bandang 11:10 ng gabi nang dumating ang convoy ng pangulo sa Veronica Memorial Chapel sa Arnaiz Avenue sa Pasay City.

Sinalubong ang Pangulo ni Pasay City Rep. Emy Calixto, NCRPO Dir. Oscar Albayalde, Southern Police District Dir. Tomas Apolinario at DILG OIC Catalino Cuy.

Nagpaabot ng pakikiramay si Duterte sa pamilya ng anim na nakaburol sa Veronica na sina Lea Grace Mozo, Maria Theresa Abanilla, at Carmelita Dela Cruz, kasama rin ang tatlong Taiwanese nationals na sina Lei Wei Chung, Yu Chie La, at Tung Tsung Hung.

Ayon kay DILG OIC Catalino Uy, ni-request na ng mga pamilya ng mga nasawing Taiwanese na i-cremate ang labi ng mga ito at ibalik muli sa Taiwan.

Sunod na dinalaw ng Pangulo ang burol ng isa pang biktima na si Eleuterio Reyes na nakalagak naman sa Rizal Funeral Homes.

Pinuntahan rin ni Duterte ang burol ng asawa ni Pampanga Rep. Dong Gonzales na si Elizabeth sa Heritage Memorial Park sa Taguig.

Tumagal rin ng isa’t kalahating oras ang inilagi ng Pangulo para sa pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.

TAGS: Catalino Cuy, Emy Calixto, Oscar Albayalde, resorts world manila, rodrigo duterte, Tomas Apolinario, Veronica Memorial Chapel, Catalino Cuy, Emy Calixto, Oscar Albayalde, resorts world manila, rodrigo duterte, Tomas Apolinario, Veronica Memorial Chapel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.