Mga security protocols ng mga hotel, dapat muling suriin

By Rod Lagusad June 04, 2017 - 05:13 AM

Dapat muling suriin ang mga security protocols ng mga hotel sa Metro Manila kasunod ng naging pag-atake sa Resorts World Manila.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, na nagkaroon ng security lapse sa naturang lugar dahil nakapasok ito na maya dalang mataas na kalibre ng baril.

Sa CCTV footage ng insidente ay makikitang nilagpasan ng suspek ang metal detector na nasa inspection area at naglakad patungong casino area.

Dagdag pa ni Albayalde na agad na nakaresponde ang mga pulis kaugnay ng insidente.

Aniya matapos na matanggap ang tawag ukol dito ay wala pang sampung minuto ng makaresponde ang mga ito.

TAGS: CCTV footage, Oscar Albayalde, resorts world manila, CCTV footage, Oscar Albayalde, resorts world manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.