Ayon kay Energy Undersecretary Felix Fuentebella, na bababa ang presyo ng gasolina ng nasa P0.55 kada litro.
Habang sa diesel naman ay P0.75 kada litro at sa kerosene naman ay nasa P0.70 kada litro.
Base sa datos ng Department of Energy ay makikita na naglalaro sa ang halaga ng diesel mula P28.05 hanggang P40.95 kada litro at sa gasolina naman ay mula naman sa P39.40 hanggang P49.21 kada litro.
Dagdag pa ni Fuentebella na maari pang mabago ang mga nabanggit na price adjustments dahil isasama pa ang trading and foreign exchange assement noong Biyernes sa darating na Lunes.
MOST READ
LATEST STORIES