Price rollback sa produktong petrolyo, asahan ngayong linggo

By Rod Lagusad June 04, 2017 - 04:57 AM

Matapos ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay aasahan naman ang pagkakaroon ng rollback ngayong linggo ayon sa Department of Energy.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix Fuentebella, na bababa ang presyo ng gasolina ng nasa P0.55 kada litro.

Habang sa diesel naman ay P0.75 kada litro at sa kerosene naman ay nasa P0.70 kada litro.

Base sa datos ng Department of Energy ay makikita na naglalaro sa ang halaga ng diesel mula P28.05 hanggang P40.95 kada litro at sa gasolina naman ay mula naman sa P39.40 hanggang P49.21 kada litro.

Dagdag pa ni Fuentebella na maari pang mabago ang mga nabanggit na price adjustments dahil isasama pa ang trading and foreign exchange assement noong Biyernes sa darating na Lunes.

TAGS: Department of Energy, diesel, Felix Fuentebella, gasoline, kerosene, oil, Department of Energy, diesel, Felix Fuentebella, gasoline, kerosene, oil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.