50 kilo ng shabu, nasabat sa isang hotel sa Parañaque City

By Cyrille Cupino June 04, 2017 - 04:49 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Nasa 50 kilo ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga otoridad sa parking ng isang hotel sa Parañaque City.

Kinalala ang Taiwanese na suspect na sina Chen Teho Chang, 56-anyos na mula sa Biñan, Laguna.

Ayon kay Police Supt. Enrico Rigor, tagapagsalita ng PNP-Drug Enforcement Group, nasakote nila ang suspek sa pinagsanib na pwersa ng pulisya at PDEA sa parking lot ng Red Planet Hotel.

Itinago ang kilo-kilong hinihinalang shabu sa tatlong ice box na may lamang ‘tuyo’ sa ibabaw.

Sinasabing may street value ang narekober na droga na aabot sa 250 million pesos.

Ayon kay Supt. Rigor, sa mga hotel na ngayon madalas nagbabagsak ng shabu ang mga drug dealers dahil hindi sila madaling nahuhuli rito.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: drugs, hotel, paranaque city, shabu, drugs, hotel, paranaque city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.