6 katao, patay sa pagsabog sa isang libing sa Afghanistan

By Rod Lagusad June 04, 2017 - 04:35 AM

Patay ang anim katao habang madami ang nasugatan matapos ang pagsabog sa libing ng anak ng isang pulitko sa Kabul, Afghanistan na namatay sa isang anti-government protest.

Ayon sa mga saksi, nasa tatlong pagsabog ang naganap sa burial site ni Salim Ezadyar, na isa sa apat na namatay noong Biyernes sa kasagsagan ng protesta doon.

Ayon kay Health Ministry Spokesman Waheed Majroh na aabot sa 87 kataong suagatan ang dinala sa mga ospital sa Kabul.

Dinaluhan ang libing ni Ezaydar na anak ng isang senador sa Afghansitan na si Alam Ezaydar, ng ilang senior government kabilang na si Chief Executive Abdullah Abdullah.

Sa kasalukuyan wala pang umaako sa naging pag-atake.

TAGS: afghanistan, Bombing, Kabul, afghanistan, Bombing, Kabul

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.