Pinay beauty queens, dadalo sa Philippine Independence Day parade sa New York
Dadalo sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss World 2013 Megan Young at Miss International 2016 Kylie Verzosa sa Philippine Independence Day parade sa Madison Avenue, New York sa darating na June 5 oras sa PIlipinas o June 4 sa US.
Makikita sa kanilang mga Instagram posts na magkakasamang lumipad ang mga ito patungong New York City.
Na-mentor lahat ni Jonas Gaffud ang tatlong beauty queen sa ilalim ng Aces and Queens.
Noong nakaraang linggo lang ay magkakasamang nag-perform ang tatlo sa birthday party ni Gaffud.
Una ng nakuhaan ang larawan ng tatlo na magkakasama para sa librong “The Crown: The Making of a Beauty Queen” at sa isyu ng isang magazine para sa June issue nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.