Muling kinilala si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amando M. Tetangco Jr. bilang isa sa “Best Central Bankers” para sa taong 2015, ng Global Finance, isang international business magazine.
Ito ang ika-limang sunud-sunod na taong binigyan ng pagkilala si Tetangco, kung saan siya ay binigyan ng grade A, dahil sa kanyang galing sa pamamalkad ng Bangko Sentral ng Pilipinas, at sa Global Finance’s Central banker Report Cards, isang malaking bagay sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng isang bansa.
Kabilang din sa mga kinilala ay sina Miroslav Singer ng Czech Republic; Mario Draghi ng European Union; Raghuram Rajan ng India; Karnit Flug ng Israel; Zeti Akhtar Aziz ng Malaysia; Carlos Fernandez Valdovinos ng Paraguay; Julio Velarde Flores ng Peru; at Fai-Nan Perng Veerathai ng Taiwan.
Makikitang nilampasan pa ni Tetangco, at ng walong iba pa ang US Federal Reserves Chair Janet Yellen, na binigyan din ng grade “A” ng Global Finance.
Ayon kay Global Finance publisher and editorial director Joseph Giarraputo, patuloy na nakakabawi ang pandaigdigang ekonomiya, sa kabila ng iba’t ibang pagsubok na kinakaharap.
Kabilang na ang pagpapalakas ng palitan ng pera, at pagpapatupad ng Federal Reserve na polisiya ukol sa madaliang pera.
Dagdag pa ni Giarraputo, malaki ang epekto ng pagpapatupad ng mga polisiya ukol sa palitan ng pera, na siyang nakakpagdikta minsan ng tatakbuhin ng ekonomiya ng isang bansa, kaya ang anumang aksyon ng pamahalaan at mga bangko sentral ay malaking tulong na.
Ayon pa kay Giarraputo, ang mga grading ibinigay ay nangangahulugan na kakayahan ng mga bangko sentral na tumayo, sa kabila ng mga isyung pulitika, at ang kakayahan nila na mag invest at gumamit ng pera sa tamang panahon.
Taong 1994 pa naglalabas ng Central Banker report cards ng Global Finance, na kumikilala na sa halos 75 na bansa sa Europa./Stanley Gajete
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.