10 libong food packs, ipapadala ng DSWD sa Marawi City

By Chona Yu June 03, 2017 - 06:20 PM

Karagdagang sampung libong food packs ang ipinadala ng Department of Social Welfare and Development para sa mga residenteng apektado ng kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, aabot sa mahigit dalawampung libong pamilya ang naapektuhan sa kaguluhan kung saan tatlong libong pamilya ang nanatili sa dalawampu’t limang evacuation center na itinayo ng DSWD sa labas ng Marawi City.

Bukod sa relief goods, umaapela rin si Taguiwalo sa mga ina na makapag-dodonate ng breastmilk.

Marami aniya sa mga inilikas ay mga bagong silang na sanggol na nangangailangan ng gatas ng ina.

Para aniya makalikha ng child friendly environment, umaapela rin ang DSWD sa publiko na magbigay ng mga makukulay na kurtina, rubber mats, mga laruan para makapaglibang ang mga bata.

Paalala ni Taguiwalo, iwasan sana ng mga donor na magbigay ng mga laruan na kamukha ng baboy.

Ang Marawi City ay Islamic city kung saan ipinagbabawal sa mga Muslim ang pagkain ng karne ng baboy.

TAGS: dswd, food packs, Marawi City, Secretary Judy Taguiwalo, dswd, food packs, Marawi City, Secretary Judy Taguiwalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.