AFP, itinangging may kinalaman ang ISIS sa insidente sa Resorts World Manila

By Chona Yu June 03, 2017 - 06:18 PM

Sinupalpal ng Armed Forces of the Philippines ang international terrorist group na ISIS sa agarang pag-aangkin sa insidente sa Resorts World Manila kung saan tatlumpu’t walong katao na ang nasawi.

Ayon kay AFP spokesman Brigadier General Restituto Padilla, wala ni katiting ng bakas ng terorismo ang nangyari sa Resorts World.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police, isang lalaki na may dalang baby armalite at gasolina ang pumasok sa Resorts World.

Pagpasok sa hotel, kinuha ang casino chips na nagkakahalaga ng 113 milyong piso at nang tugisin ng mga pulis ay pumasok sa room 510, binalot ang sarili ng kumot, binuhusan ng gasoline, sinilaban at nagbaril sa sarili.

Ayon kay Padilla, isang criminal act lamang ang nangyari sa Resorts World na kinakailangan ng malalimang imbestigasyon.

Sinabi pa ni Padilla na gaya ng mga nakaraan, walang ibang ginawa ang ISIS na agad na umako ng responsibildiad sa mga kaguluhan para maisulong lamang ang kanilang sariling propaganda.

TAGS: AFP spokesman Restituto Padilla, resorts world manila, AFP spokesman Restituto Padilla, resorts world manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.