Nawawalang 2 Japanese tourist at 1 Pinoy, natagpuan na

By Jimmy Tamayo June 03, 2017 - 02:26 PM

Courtesy: Wikipedia

Natagpuang ang bangkay ng 2 Japanese tourist na iniulat na nawawala noong Martes, May 30.

Ang bangkay nina Itani Masaru, 59 years old at Arai Yoshihiro, 24 years old ay nakita sa Galoc Island sa Culion, Norther Palawan.

Naaresto naman ang tatlong kalalakihan na umamin sa pagpatay sa mga dayuhan.

Kinilala ang mga ito na sina Michael Suangco, Aladin Mohameran and Reynante Labampa na nagsabing binarily nina ang dalawang hapon bago nila itinapon sa dagat.

Pinalubog din ng mga suspek ang bangkang sinakyan ng mga turista bago bumalik ng Coron noong Martes.

Kaugnay nito, hinahanap na ng Palawan police ang isa pang Japanese national na kinilalang si Hiroyuki Nagaham,  isang negosyante at diumano’y nag-utos na patayin ang dalawang biktima.

May dalawa pang suspek ang pinaghahanap na rin ng pulisya at sinasabing lider ng nasabing grupo.

Ang dalawa turista ay naka-check-in sa GMG Hotel sa Brgy. 2, Coron  bago sila mapaulat na nawawala matapos umupa ng bangka para mag-Island hopping.

TAGS: Coron, Japanese tourist, Palawan, Coron, Japanese tourist, Palawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.