Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, nagtalaga na siya ng apat na staff mula sa crisis intervention unit para magsagawa ng hospital visits sa San Juan de Dios Hospital, Pasay General Hospital, Villamor Airbase Hospital, at St. Luke’s Medical Center kung saan dinala ang mga nasugatang biktima.
Limang miyembro naman aniya mula sa Disaster Team and Protective Services Program ang kanyang itinalaga para magsagawa ng assessment sa tatlumput walong katao na nasawi.
Sinabi pa ni Taguiwalo na nakahanda rin ang DSWD National Capital Region na magbigay ng technical assistance at resource augmentation sa mga pamilya ng mga biktima kung kinakailangan.