Pamilya ng mga nasawi at nasugatan sa Resorts World Manila incident, tutulungan ng DSWD

By Chona Yu June 03, 2017 - 02:21 PM

Bibigyan ng kaukulang tulong ng Department of Social Welfare and Development ang mga nasugatan at ang mga pamilyang naulila sa Resorts World Manila incident.

Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, nagtalaga na siya ng apat na staff mula sa crisis intervention unit para magsagawa ng hospital visits sa San Juan de Dios Hospital, Pasay General Hospital, Villamor Airbase Hospital, at St. Luke’s Medical Center kung saan dinala ang mga nasugatang biktima.

Limang miyembro naman aniya mula sa Disaster Team and Protective Services Program ang kanyang itinalaga para magsagawa ng assessment sa tatlumput walong katao na nasawi.

Sinabi pa ni Taguiwalo na nakahanda rin ang DSWD National Capital Region na magbigay ng technical assistance at resource augmentation sa mga pamilya ng mga biktima kung kinakailangan.

TAGS: dswd, resorts world manila, Secretary Judy Taguiwalo, dswd, resorts world manila, Secretary Judy Taguiwalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.