Lamay ng mga namatay sa Resorts World Manila bibisitahin ni Duterte

By Chona Yu June 03, 2017 - 11:56 AM

Inquirer photo

Bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga labi ng mga nasawi sa Resorts World Manila.

Sa pinakahuling talaan, aabot na sa tatlumpu’t walo katao ang nasawi kasama na ang lalaking caucasin looking na suspek na namaril at nagsunog sa loob ng hotel.

Mamayang alas-otso mamayang gabi ay magtutungo ang pangulo sa Rizal Huneral Homes sa Pasay City para personal na magpa-abot ng pakikiramay sa mga pamilya at kaibigang naulila ng mga nasawi.

Pero bago ang pagbisita sa Pasay City, magtutungo muna ang pangulo mamayang hapon sa Camp Evangelista Station Hospital sa Cagayan de Oro City para bisitahin ang mga sugatang sundalo na nakipagbakbakan sa Maute group sa Marawi City.

TAGS: duterte, Pasay City, Resorts world, duterte, Pasay City, Resorts world

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.