U.S handang tumulong sa giyera ng pamahalaan kontra terorismo
Nanawagan si U.S Defense Sec, James Mattis sa mga bansa sa South East Asia na magkaisa kontra sa banta ng extremist groups sa rehiyon.
Sa kanyang pagsasalita sa isang security forum sa Singapore, sinabi ni Mattis na hindi na lamang sa Syria o Iraq nakasentro ang laban kontra sa teroristang grupo.
Partikular na binanggit ng nasabing U.S officials ang kaguluhan na nagaganap ngayon sa Marawi City kung saan ay pawang mga kaalyado ng “extremists groups” ang gumawa ng pagsalakay sa lungsod.
Sa kanyang pahayag, inamin ni Mattis na may maliit na bilang sila ng kanilang mga tropa ang tumutulong sa pamahalaan ng Pilipinas sa pagbibigay ng mga validated information na may kinalaman sa mga terorista.
Bilang isang kaalyadong bansa, sinabi ni Mattis na handa ang kanilang pamahalaan na tumulong at mag-train ng mga sundalong Pinoy sa paglaban sa mga miyembro ng Maute at Abu Sayyaf Group.
Sa kanyang talumpati kamakailan ay pinasalamatan rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang U.S sa pagbibigay ng technical support at intelligence report sa militar laban sa mga grupong sumalakay sa Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.