US Pacific Commander Admiral Harry Harris, makikipagpulong sa mga opisyal ng DND

west-philippine-sea-china-reclamation-16-1024x540Inaasahang bibisita sa bansa si United States Pacific commander Admiral Harry Harris upang makipagpulong sa mga opisyal ng Department of National Defense, (DND) at maging ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Col. Noel Detoyato, pinuno ng public information office, magsasagawa ng courtesy call kay Chief of Staff General Hernando Irriberi si Harris upang pagusapan ang mga mahahalagang bagay, tulad ng seguridad, at depensa.

Kasama rin na bibisitahin ng USPACOM ang mga opisyal ng pamahalaan, kasama na ang kalihim ng National Defense.

Bibisitahin ni Harris ang Palawan, upang malaman at personal na makita ang pinag aagawang teritoryo ng Pilipinas at China.

Sinabi pa ni Detoyato na pag uusapan ang bilateral security sa Pilipinas, at upang matutunan ang iba’t ibang sitwasyong umiiral doon.

Pag uusapan din ang tungkol sa disaster response cooperation ng dalawang bansa.

Matatandaang malaki ang naging papel ng Estados Unidos sa ginawang pagtulong matapos manalasa noong 2013 ang super typhoon Yolanda sa Silangang Visayas, lalo na sa deployment na sa magsasagawa ng rescue and operation.

Isa ang Estados Unidos sa mga unang tumutulong sa bansa, kapag may sakunang nangyari, kasama ang pagsasagawa ng mga joint operations.

Matatandaang bumisita na sa bansa ang admiral, isang buwan matapos dumating si US Fleet Admiral Scott Swift.

Pag uusapan din ang tungkol sa human assistance at disaster response, kung saan, iba’t ibang akitibidad at training ang gagawin kasama ng USPACOM forces./Stanley Gajete

Read more...