Gunman sumakay ng taxi papunta sa Resorts World Manila

By Den Macaranas June 03, 2017 - 09:34 AM

Inquirer photo

Nakasakay lamang sa isang taxi ng pumunta sa Resorts World Manila ang armadong lalaki na naghasik ng kaguluhan doon na ikinamatay ng 38 katao at nagresulta rin sa pagkakasugat ng halos ay 70 iba pa.

Sinabi ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde na hawak na rin nila ang detalye ng taxi na sinakyan ng gunman at hinahanap na nila ang driver nito para sa kaukulang imbestigasyon.

Base sa mga CCTV footages na hawak ng PNP, may dalang dalawang malaking itim na bags ang suspek nang siya’y bumaba ng taxi.

Pinaniniwalaang sa elevator nagbihis ang gunman pero hindi pa malinaw sa mga pulis kung paano nito naipasok sa hotel ang kanyang mga bags na pinaniniwalaang naglalaman ng mga baril.

Makaraan ang panununog sa gaming area ng hotel ay mabilis itong umakyat sa ikalimang palapag hanggang sa mapasok niya ang room 510 kung saan ay sinilaban at binaril niya ang kanyang sarili.

Inaalam na rin ngayon ng PNP ang serial number ng mga baril na dala ng suspek para sa kanyang madaling pagkakakilanlan at para alamin na rin kung sa kanya ba nakarehistro ang nasabing mga armas.

TAGS: albayalde, gunman, NBI, NCRPO, Resorts world, Taxi, albayalde, gunman, NBI, NCRPO, Resorts world, Taxi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.